-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nakalikom ng 23-porsientong lagda mula sa mahigit 228,000 mga rehistradong botante ang 2nd Congressional District ng Butuan City na sobra-sobra sa kakailanganing 3-porsiento lang na pirma upang maisusulong ang people’s initiative para sa pag-amyenda ng 1987 Philippine Constitution.

Ayon kay Butuan City election officer Atty. Tristan Niog, sa 86 na mga barangay nitong lungsod, tanging ang Brgy. Florida lamang ang hindi pa nakasumite ng kanilang signature kit.

Ayon kay Atty. Niog, isinumite ng Lawyers for Constitutional Change, ang 85 mga signature kits na may lamang 53,4985 na mga lagda kung kaya’t kaagad naman silang nagsumite ng certified true copy ng mga ito sa kanilang sentrong tanggapan at sa kanilang regional director.

Sa ngayo’y nag-aantay na lamang sila sa stage 2 ng verification process pagkatapos ng signature gathering sa buong bansa para naman ipapgawa sa kanila.