-- Advertisements --

Nakabalik na ng bansa ang 23 na mga Overseas Filipino Workers (OFW) mula sa Israel bilang parte pa rin ng repatriation sa mga lugar na siyang apektado ng giyera sa middle east.

Ang mga OFW’s ay agad namang sinalubong ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at ilang mga representatives ng Department of Migrant Workers (DMW) para sa kanailang muling pagbabalik sa bansa.

Nabigyan naman ng financial assistance ang mga OFW’s bilang tulong at para muling makapagsimula ng kanilang buhay dito sa Pilipinas.

Napagkalooban din ng food at tranportation assistance at pati na rin hotel accomodation ang mga ito para sa kanailang komportableng paguwi.

Samantala, nagpapatuloy naman ang pakikiusap ng ahensya sa iba pang mga Pilipino na siyang nadadamay sa isang taon nang sigalot sa pagitan ng Hamas at Israel.