-- Advertisements --

Nasa 23 katao ang nasawi at mararming bahay ang natabunan sa pagguho pader at landslide sa Mumbai India.

Nagbunsod ang nasabing pagguho ng pader at landslide dahil sa walang tigil na pag-ulan.

Ayon sa National Disaster Response Force (NDRF) na may ilang puno ang gumuho sa silangang bahagi ng Chembur.

Nabawi ng mga rescuers ang aabot sa 17 bangkay mula sa gumuhong lupa kung saan patuloy ang ginagawang paghahanap ng mga otoridad sa ibang nawawala.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Indian Prime Minister Narendra Modi sa mga nasawing biktima.