-- Advertisements --
Nasa 23 katao ang patay sa naganap na pang-aatake sa isang bar sa Mexico.
Kinabibilangan ito ng 15 lalaki at walong babae ang nasawi sa Caballo Blanco bar sa Coatzacoalcos.
Itinakbo naman sa pagamutan ang 13 iba pa na nasugatan sa insidente.
Sa imbestigasyon ng mga kapulisan na pinagbabaril ng mga suspek ang mga tao sa loob ng bar at nagtapon pa ng Molotov coctails.
Tiniyak ni Veracruz regional governor Cuitláhuac García na kanilang pananagutin ang mga suspek kapag sila ay naaresto.