-- Advertisements --

Nasa 23 katao ang patay matapos ma-trap sa gumuhong minahan sa Chongqing, China.

Sa imbestigasyon ng kapulisan, nasawi ang mga biktima dahil sa labi na carbon monoxide gas na kanilang nalanghap sa Diaoshuidong coal mine.

Sa kabuuang 24 mga minero ay isa lamang ang nailigtas matapos ang mahigit 30 oras na search and rescue efforts.
Iniinmbestigahan na ng mga otoridad ang naturang insidente.

Inatasan na rin ng State Council ang Chongqing government na maglunsad ng inspeksyon sa mga minahan para hindi na maulit ang insidente.