-- Advertisements --
Mumbai
Mumbai India

Nasa 23 katao na ang patay sa naganap na matinding pag-ulan sa Mumbai, India.

Karamihan sa nasawi ay nadaganan ng natumbang pader kung saan sila naninirahan sa settlement area sa Malad, Mumbai.

Tatlo naman sa nasawi ay nalunod dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig baha.

Dahil sa insidente ay idineklara ng local government ng Mumbai na public holiday dahil sa naranasang pag-ulan.

Ilang libo ring residente mula sa mababang lugar ang inilikas dahil sa banta ng matinding pagbaha.

Nabigyan na ng ayuda ng gobyerno ang naapektuhang pamilya.