Patay ang 23 katao matapos ang pagkakasunog ng sinakyan nilang bus sa Bangkok, Thailand.
Kinabibilangan ito ng 20 bata at tatlong guro kung saan galing ang mga ito sa school trip.
Ayon kay Transport Minister Suriyahe Juangroongruangkit na ang nasabing bus ay pinapatakbo ng napakadelikadong compressed natural gas.
Base sa mga nakakita ng akidente na bumangga pa ang bus sa concrete barrier sa highway na matatagpuan sa northern Bangkok.
Labis na nasunog ang bus kaya maraming mga biktima ang hindi nakalabas agad.
Nakaligtas naman sa insidenet ang 19 na bata at tatlong guro kung saan 16 sa mga dito ay nagpapagaling sa pagamutan.
Nahirapan ang mga otoridad na makilala ang mga biktima dahil sa lubos ang pagkakasunog ng mga ito.
Inaalam pa ng mga otoridad ang pinakasanhi ng nasabing sunog.