-- Advertisements --

Pumalo na sa 23 katao ang nasawi sa ikatlong gabi ng kilos protesta sa India.

Ikinagalit kasi ng mga tao ang kontrobersiyala na citizenship law.

Tinatarget rin ng mga grupo ang kabahayan ng mga Muslims.

Nanawagan naman si Prime Minister Narenda Modi sa kaniyang kababayan na itigil na ang kaguluhan.

Tiniyak nito na gagawa ng hakbang ang mga kapulisan para matigilan ang kaguluhan.

Ang Citizenship Amendment Act (CAA) ay nagbibigay ng amnestiya sa mga iligal non-Muslim immigrants mula sa Muslim-majority countries.

Ikinagalit din ng mga kritiko na ang batas ay nagdi-discriminate sa mga Muslims at sinasabing inaalok lamang ang citizenships sa mga inaping minorities.