-- Advertisements --

Nailigtas na ang mga crew ng oil tanker na tinamaan ng missiles habang nasa karagatan ng Red Sea.

Ang Greek-flagged na Sounion ay tinamaan ng maraming mga missiles habang nasa Hodeida City.

Mayroong kabuuang 25 crew ito kung saan 23 sa mga dito ay mga Filipino habang ang dalawa ay pawang mga Russians.

Walang grupong umako sa nasabing insidente subalit malaki ang paniniwala ng mga otoridad na kagagawan ito ng mga Houthi rebels dahil sa sila ang palaging nasa likod ng pag-atake doon.

Ayon sa Joint Maritime Information Centre (JMIC), naka-angkla na ngayon ang barko sa Red Sea sa pagitan ng Eritrea at Yemen.