Ligtas ang 23 Filipino seafarers na sakay ng isang barko matapos tamaan ng drone attack malapit sa port ng Yemen, ayon yan sa Department of Migrant Workers.
Sa isang pahayag, sinabi ng DMW na naglalayag ang isang oil tanker malapit sa Yemeni port city ng Hodeida noong Sabado, March 18, nang inatake ito ng Houthi rebels. Nagtamo naman ng bahagyang pinsala nag barko.
Patuloy na sumusuporta ang DMW sa mga hakbang mula sa international maritime authorities na e deklara ang mga lugar na may mga insidente ng pag-atake bilang high risk o war-like zones para protektahan ang mga Pilipinong marino.
Noong Marso ng kasalukuyang taon, matatandaan na itinalaga ng International Bargaining Forum’s (IBF) ang southern Red Sea at ang Gulf of Aden bilang isang “war-like zone” para sa mga marino. Ang hakbang ay kasunod ng patuloy na pag-atake ng missile at drone na inilunsad ng mga rebeldeng Houthi na nakikiramay sa Palestinian militant group, Hamas, sa kanilang hidwaan sa Israel.
Ang pagtatalaga ng isang lugar o rehiyon bilang isang “war-like zone” ay nagpapahiwatig na ang mga marino na nasa Red Sea at Gulf of Aden ay exposed sa mga panganib na katulad ng nakikita sa mga gyera batay sa itinakda sa 2006 Maritime Labor Convention (MLC).
Sinabi ni Cacdac na mahigpit silang nakikipag-ugnayan sa international maritime authorities, shipping companies, at local manning agencies sa sitwasyon ng mga barko na may mga Filipino seafarers na tumatawid sa mga high risk areas at mga war-like zone sa Red Sea.