-- Advertisements --
Nakatakdang maiuwi sa lalong madaling panahon ang 23 Pinoy seafarers lulan ng MT Sounion na inatake ng Houthi rebels.
Ayon kay Department of Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, kasalukuyang sumasailalim sa kaukulang protocols ang mga Pilipinong tripulante at nakatakdang ma-repatriate.
Aniya, nakausap niya ang mga Pinoy seafarer at nakumpirmang nasa ligtas na kalagayan ang mga ito na kasalukuyang nananatili sa isang hotel na hindi na inilahad pa ng opisyal para na rin sa kanilang seguridad.
Tiniyak naman ng opisyal na makakatanggap ng karampatang tulong ang mga Pinoy seafarer mula sa pamahalaan maliban pa sa mga benipisyong ibibigay ng kanilang mga employer.