Nagpapasaklolo ang 23 Pinoy Seafarers na sakay ng tanker na MT Sounion, matapos itong atakehin ng rebeldeng Houthis.
Ginamitan umano sila ng missile habang nasa kadagatan ng Yemen ala-1:00 PM (PH Time), Agosto 21, 2024.
Ayon sa ulat, sa 29 ang kabuuang tripulante mg barko, kung saan 23 sa mga ito ay mga Pilipino na mula sa ibat-ibang bahagi ng bansa: Dalawa (2) galing sa Iloilo City; Isa (1) sa Cebu City; Isa (1) sa Talisay City, Cebu; Isa (1) sa Calatrava, Negros Occidental; Dalawa (2) sa Davao City; Isa (1) sa Kananga, Leyte; Isa (1) sa Parañaque City; Isa (1) sa Hilongos, Leyte; Dalawa (2) sa Manapla, Negros Occidental; Isa (1) sa Lucban, Quezon; Isa (1) sa San Juan, Batangas; Isa (1) sa San Carlos City, Pangasinan; Isa (1) sa Muntinlupa City; Isa (1) sa Malaybalay City, Bukidnon; Isa (1) sa Jones, Isabela; Isa (1) sa Patnongon, Antique; Isa (1) sa Bugasong, Antique; Isa (1) sa Ubay, Bohol; at Isa (1) sa Samar.
Sa inisyal na imbestigasyon, natamaan ng dalawang missile na hinihinalaang galing sa Houthi rebels habang ito ay naglalayag sa Red Sea patungong Africa.
Dahil sa pagsabog, naapektuhan ang engine ng barko na pag-aari ng Greece o Delta Tankers company.
Ang pagsabog din ang dahilan ng pagkasunog ng barko.
Pangatlong missile attack na ito ng Houthis sa nasabing kompaniya ng barko.