-- Advertisements --
pogo

Nagpasok ng not guilty plea sa Pasay Regional Trial Court ang 23 na indibidwal na pinaghihinalaang sangkot sa mga ilegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator.

Ayon kay Atty. Gloria Quintos, lahat ng mga ito ay nagpasok ng not guilty plea para sa kasong may kinalaman sa paglabag sa Republic Act 8799 o ang Securities Regulation Code na may kaugnayan sa RA 10175 o mas kilala bilang Cybercrime Prevention Act of 2012.

Sinabi rin ng kanilang abogado na hindi pinayagan ang kanilang kliyente na magtungo sa korte kaya isinagawa ang naturang pagbasa ng sakdal sa pamamagitan ng video conference.

Ipinagpaliban naman ang arraignment para sa limang respondent dahil sa kawalan ng interpreter.

Dagdag pa ni Atty. Quintos na gaganapin ang susunod na hearing ng kaso sa September 6.

Una ng inirekomenda ng Department of Justice ang pagsasampa ng kaso laban sa nasakoteng POGO matapos makitaan ng sapat at kapanipaniwalang mga ebidensya na sangkot nga ito sa fraudulent na mga gawain.