Aabot sa dalawapu’t tatlong proyekto at programa ang inaprubahan ng National Economic ang Development Authority simula nang maupo sa pagkapangulo si President Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
Ayon kay NEDA Sec. Arsenio Balisacan, kabilang na rito ang Philippine Fisheries and Coastal Resiliency project; New Dumaguete Airport Development Project; Mindanao Inclusive Agriculture Development Project at University of the Philippines-PGH Cancer Center Project.
Paliwanag ng kalihim ng naturang ahensya, may kabuuan itong Php749 billion na pondo.
Kasabay nito, sinusuri na rin ng pamahalaan ang nasa 185 Infrastructure Flagship Project na may pondo naman Php 9.54 Trillion o katumbas ng nasa 163 billion dollars.
Layunin ng grobyerno na matapos ang malaking bilang ng proyekto mula sa 185 IFPs bago matapos ang termino ni PBBM, at sa ngayon mahigit 60 ang ongoing.