-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Mahigit dalawang milyong peso ang tinatayang danyos sa sunog sa public terminal ng Tacurong City.
Ayon kay Fire Major Luziel Banac, ang city fire bureau ng Tacurong City,na nagsimula umano ang apoy sa isang karenderya at agad kumalat sa ibang maliliit na tindahan na gawa lamang sa kahoy o light materials.
Kabilang sa mga nasunog ang 12 motorsiklo,isang multicab, ilang karenderya , computer shop, grocery stores at iba pa.
Mabilis namang nakapagresponde ang mga pamatay sunog kaya hindi na kumalat ang apoy patungong public terminal.
Kinomperma rin ni Banac na maaring faulty electrical wiring ang dahilan sa sunog na patuloy nilang iniimbestigahan.
Nakatakda namang mamahagi ng tulong sa mga nasunugan ang City LGU.