-- Advertisements --

Umabot sa mahigit 23 toneladang mga election posters at materials ang nakulekta ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos ang isinagawang halalan.

Ang nasabing mga basura ay nakulekta sa Manila, Quezon City at Parañaque kung saan napuno nila ang pitong dump trucks.

Ang ilang mga nakulektang mga election materials ay ibinigay sa ilang grupo para ito ay kanilang i-recycle at hindi na ito ibasura.

Nauna rito nanawagan din ang Commission on Elections (Comelec) sa mga kandidato na kanilang baklasin ang kanilang election materials matapos ang halalan para maiwasan na maharap sila sa kaso.