-- Advertisements --

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng 23 pagyanig sa Bulkang Bulusan sa Sorsogon sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa ahensiya, mas mataas ang naturang naitalang mga pagyanig sa bulkan kumpara sa 20 quakes na nadetect noong nakalipas na 2 linggo.

Nananatili namang mababa at katamtaman ang namonitor na ibinugang asupre at plume ng bulkan.

Kaugnay nito, nananatili sa Alert level 1 ang bulkang Bulusan kayat ipinagbabawala pa rin ang pagpasok sa 4km radius permanent danger zone sa paligid ng bulkan.

Gayundin pinagiingat ang mga piloto na iwasang magpalipad ng sasakyang panghimpapawid malapit sa summiit ng bulkan dahil sa panganib ng steam-driven o phreatic eruption.