Pormal nang ipinakilala ang young actress na si Janella Salvador na siyang gaganap bilang kontrabida sa film remake ng “Darna” ni Mars Ravelo.
Ito’y dalawang taon mula nang unang ianunsyo ang pagkakapili naman sa ngayo’y 22-anyos na si Jane De Leon bilang bagong Darna.
Si Janella ay ang magsisilbing “Valentina” o ang serpent queen na mayroong mga ahas sa ulo.
Ang series director at tanyag na filmmaker na si Chito Roño ang pumili sa anak ng singer na si Jenine Desiderio mula sa iba pang mga nagsipag-audition para sa nasabing kontrabida role.
Kung maaalala, matagal nawala sa “limelight” si Janella kung saan kasabay ng pagbabalik nito sa showbiz ay ang pag-amin na nagsilang ito sa first baby nila ng actor boyfriend na si Markus Paterson.
Sa panig ni Jane, una na nitong tiniyak na gagawin nito ang kanyang “best” bilang bagong Darna.
“I will do everything and anything for the role because I believe in her, I believe in what Darna stands for,” saad daw ni de Leon sa ABS-CBN executives.