CENTRAL MINDANAO – Dineklarang persona Non grata ang New Peoples Army (NPA) sa bayan ng President Roxas North Cotabato.
Ang programa ay may temang”pagkakaisa ng mamamayan susi sa kaunlaran”na pinangunahan ni President Roxas Mayor Jonathan Mahimpit.
Kasabay nito ay isinuko ng 230 na dating mga NPA ang kanilang mga matataas na uri ng armas.
Sinunog din ng mga residente ang bandila ng mga rebelde para iwaksi na ang kilusang komunista.
Layon nitong tuluyan ng makamit ng mamamayan ng President Roxas ang tunay na kapayapaan at labanan ang paghahasik ng gulo ng mga NPA.
Tiniyak naman ng mga sundalo at pulis ang seguridad ng mga sumukong NPA.
Nangako naman si Mayor Mahimpit na agad mabigyan ng livelihood projects at financial assistance ang mga sumukong rebelde.