DAVAO CITY – Kinumpirma ng Davao City Fire District na may kabuuang 235 ka mga kabahayan ang nasunog sa Soliman Residential Area, Japan St., Brgy. Agdao Proper, Davao City pasado alas-7 kaninang umaga.
Batay sa imbestigasyon, nagmula ang apoy sa isang kisame ng bahay at mabilis naman itong kumalat sa mga kapitbahay.
Alas-9 ng umaga, idineklarang kontrolado ang sunog na umabot pa sa 3rd-alarm sanhi ng pagresponde nga mga fire rescue team sa ibat-ibang panig ng Davao.
Tinatayang nasa 1.6 million pesos ang pinsalang naidulot ng sunog sa kabahayan na halos lahat gawa sa mga light materials.
Nagbabala naman si SFO4 Ramil Gillado hepe ng Intelligence and Investigation Section ng Davao City Fire District sa mga Dabawenyo na kailangang maging maingat sa mga kagamitan na maaaring magdulot ng sunog upang hindi na maulit ang katulad na insidente.
Kasalukuyang nagsasagawa na ang CSSDO ng mga pagsusuri para sa nasirang mga tahanan.
Samantala, inasikaso naman ng Barangay at CSWDO ang pangunang lunas at pangangailangan sa mga nasunugan.