Naghain ang isang koalisyon ng kabuuang 237 counts ng vote buying complaints laban sa tumatakbong congresswoman ng District 5 sa Quezon City.
Ang naturang reklamo ay inihain ng mga miyembro ng Koalisyong Novalenyo KOntra Korapsyon at Alyansa ng mga Mamamayan ng Bagbag.
Ayon kay Ted Lazaro ng naturang grupo, mayroon aniyang nagrereport sa kanila hinggil sa talamak na vote buying sa iba’t ibang headquarters ni QC congressional candidate Rose Nono Lin sa District 5 at may mga kuha ding mga larawan aniya ng actwal na pagkuha ng pera na pinapalabas na scholarship at ayuda.
Si Lin ay isa sa mga stakeholder ng kompaniya na may kaugnayn sa Pharmally Pharmaceutical Corporation na kung maaalala ay inimbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee dahil sa umano’y maanomaliyang pagbili ng medical supplies at equipment ng pamahalaan sa gitna ng covid19 pandemic.
Samantala, ayon naman kay Commissioner George Garcia, mayroon ng dalawang vote buyong complaints ang natanggap ng poll body simula ng ilunsad ang Task Force Kontra Bigay noong nakalipas na linggo.