-- Advertisements --
Mayor Oscar Moreno

CAGAYAN DE ORO CITY – Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang 24 na administrative cases laban sa controversial mayor ng Cagayan de Oro na si Mayor Oscar Moreno.

Nag-ugat ang naturang kaso ng magsampa si Engr Antonio Nuñez ng kasong administratibo sa Ombudsman laban kay Mayor Moreno dahil sa pagrenta ng mga heavy equipment noong nakaupo pa ito bilang gobernador sa Misamis Oriental kahit walang public bidding.

Sa pamamagitan ng 33 pahinang desisyon, pinaburan ng mga CA associate justices ang naging argumento ng kampo ng mayor kung kayat nalusutan nito ang mga kaso.

Ikinatuwa naman ni Moreno ang naturang desisyon dahil maipagpapatuloy na nito ang mga nasimulang proyekto sa lungsod.

Ayon naman kay Engr. Nuñez, wala pa itong natanggap na kopya sa naturang desisyon ngunit pinangako naman nito na kanyang irerespeto ang pasya ng CA.