-- Advertisements --

DAVAO CITY – Dead on the spot ang isang dalaga matapos masagasaan ng wing van.

Sa report ng pulisya, nakilala ang biktima na si Lyra Martin Marcito, dalaga at residente sa Saliao Esperanza,Sultan Kudarat. Samantala ang driver ng wing van ay nakilala na si Renato Maratas Garciano, 51-anyos, may-asawa na taga Mangagoy, Bislig, Surigao del Sur.

Ayon sa imbistigasyon ng traffic section ng Baliok PNP, nangyari ang akksidente matapos ang malakas na pagbuhos ng ulan na habang binabaybay ng wing van ang inner lane ng Mc Arthur Highway galing sa Toril patungong downtown area ngunit pagdating nito sa isang crossing sa Brgy. Dumoy, Mc Arthur Highway bigla na lamang nahagip ng van ang biktima sa kanyang pagtawid sa highway at nagulungan ang kanyang ulo na nagresulta sa agarang pagkamatay nito.

Nirespondehan pa ng BDRRMC sa Brgy. Aplaya ang insidente ngunit hindi na naisalba pa ang buhay ng biktima. Napag-alaman na ang biktima ay bago nakapasa sa isang board exam sa kursong Medical Technologist.

Sa ngayon naka-kostudiya na ang drayber sa himpilan ng pulisya.