-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Patay na nang matagpuan ng kanyang pamilya pasado alas-11 umaga ng Biyernes ang isang 24-anyos na lalaki sa bahay kubo na tinutuluyan nito sa Barangay Saravia, Koronadal City matapos na magpakamatay.

Kinilala ni Barangay Kapitan Gregorio Presga ang biktima na si alyas Dionesto Joe na residente ng Prk Crismos, Barangay Saravia Koronadal City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Nanay Gloria, ina ng biktima, emosyunal na isinalaysay nito ang sitwasyon ng anak ng madatnan nito na nangingitim na habang nakabitin ang leeg nito sa kisame ng kanyang bahay kubo pasado alas-11 kaninang umaga.

Ayon kay Nanay Gloria, gumamit ng electric wire ang kanyang anak sa pagpakamatay.

Bago pa umano nangyari ang insidente ay sinabi na ng biktima nasa ina na magpapakamatay ito dahil hindi umano siya nakapagbayad sa kanyang inutang na motorsiklo.

Sa ngayon hindi alam ng nanay Gloria kung ano ang gagawin dahil sa mahirap lamang umano sila at di niya alam kung saan kukuha ng igagastos sa burol at pagpapalibing sa biktima.

Napag-alaman na may isang anak ang biktima at hiwalay sa asawa.