-- Advertisements --

hgpecq2

Naharang ng PNP HPG ang nasa 24 na mga Colorum na sasakyan, sakay ang mga Unauthorized Persons Outside Residence (UPOR) mula sa mga lugar na nasa ilalim ng ECQ .

Ayon kay PNP HPG Director BGen. Alexander Tagum, ang pagkakahuli ng mga colorum na sasakyan ay resulta ng dalawang araw nilang Anti Colorum Operation.

Sinabi ni Tagum, 13 sa mga sasakyan na ay naharang noong April 4 papuntang Bicol Region mula sa Metro Manila.

hpgecq2

Habang 11 naman noong April 5 na mga Commuter Van sakay ang mga Pasahero papunta sa iba’t ibang destinasyon.

Sinabi ni Tagum na ang Operation na ito ay tugon nila sa naging Viral na Video noong April 3 araw ng Sabado na may isang Truck na puno ng tao sa bahagi ng Maharlika Highway, Del Gallego, Camarines Sur.

Una rito ay lumabas ang Terminong “COVID 19 SMUGGLING “ ng mga tao mula sa mga lugar na nasa ECQ papunta sa mga probinsiya na mas maluwag ang Quarantine Restrictions at hindi sumusunod sa mga Health Protocols.

Siniguro naman ni Tagum na lalo pa nilang paiigtingin ang anti-colorum operations sa pakikipagtulungan sa LTO,LTFRB at MMDA at mga local na PNP units ng sa gayon matigil na ang iligal na pag transport ng mga UPOR at para na rin striktong nasusunod ang ECQ health protocols.