Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation ang aabot sa 24 mga Pilipino at limang foreign national sa isang scam hub sa Kawit ,Cavite.
Sa isang pahayag, sinabi ni NBI Director Jaime Santiago , na nag-ugat ang operasyon ng mga operatiba ng NBI matapos silang makatanggap ng ulat hinggil sa ilang bahay sa isang subdivision na ginagamit bilang mga scam centers.
Matapos ang isinagawang surveillance sa lugar, ay nakakuha ito ng search warrant sa korte at kaagad nila itong inisyu dahilan para maaresto ang nasabing mga individual.
Sangkot umano ang mga ito sa ibat -ibang uri ng scam kabilang na ang love scam, investment scam crypto scams, impersonation scams, at credit credential stuffing.
Nasorpresa rin aniya Sila matapos na malaman na may mga foreign national na nagtatrabaho at nagpapatakbo ng naturang scam hub.
Narekober ng NBI sa lugar ang mga pre-registered SIM cards, online wallet accounts, computers, scam message scripts, cellphones, at text blast machines na siyang ginagamit sa naturang mga illegal na aktibidad.
Nadiskobre rin ng mga ahente ng NBI na sumalakay sa lugar ang dalawang voult na naglalaman ng mga dokomento at 100k cash.
Mahaharap ang mga ito sa mga kasong paglabag sa Republic Act (RA) No. 10175, o the Cybercrime Prevention Act of 2012, at RA No. 12010, o mas kilala sa tawag na Anti-Financial Account Scamming Act.