-- Advertisements --
NY Guv Andrew Cuomo
NY Guv Andrew Cuomo/ IG post

Ipinag-utos ni New York Governor Andrew Cuomo na isailalim sa 24 na oras na lockdown ang buong lugar.

Ito ay para maprotektahan ang mga residente laban sa nasabing coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ayon pa sa governor na papayagan lamang ang mga residente na lumabas sa kanilang bayan na bumili ng mga gamot at pagkain.

Pagmumultahin naman ang mga sumuway at ipapasara nito ang mga establishimento.

Dagdag pa nito na ito na ang isang matinding paraan para tuluyang malabanan ang nasabing virus.