Nakatakdang buksan ng lungsod ng Taguig ang 24-hour mega vaccination sites.
Magiging prioridad ng nasabing vaccination sites ang mga government at economic frontliners sa A4 category.
Matatagpuan ang nasabing mega vaccination sites sa High Street Vaccination Hub sa Barangay Fort Bonifacio.
Sinabi ni Mayor Lino Cayetano ang nasabing vaccination sites ay para sa mga manggagawa na ang trabaho ay sa gabi.
Isa aniya itong paraan para mapabilis na maabot ang herd immunity sa kanilang lungsod.
Hinikayat din ng nasabing alkalde na dapat magparehistro muna ang mga residente sa kanilang online registration hub.
Sa kasalukuyan ay umaabot na sa halos 240,000 na ang naturukan ng bakuna laban sa COVID-19.
Umabot rin sa 28,447 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 kung saan 27,695 ang gumaling na at 269 ang nasawi habang mayroong lamang 483 ang aktibong kaso.