-- Advertisements --

Aabot sa 24 katao na ang nasawi sa nagana na magkakahiwalay na wildfire sa South Korea.

Karamihan sa mga biktima ay nasa edad 60 at 70 kung saan mayroon ding 26 na iba pa ang nasugatan at 12 dito ng kritikal.

Mahigit 23,000 na residente na rin ang sapilitang pinalikas.

Natupok rin ng apoy ang 1,300 taon na templo sa Uiseong City kung saan naagapan naman na tinanggal ng mga ang mga cultural relics doon.

Nagsimula ang sunog sa Sancheong county noong Biyernes at ito ay kumalat na sa Uiseong county.

Ilang libong mga bumbero na ang ipinadala kung saan aabot na rin sa 5,000 na sundalo ang pinakalat sa lugar para maapula ang sunog.