-- Advertisements --

Maraming katao ang nasawi at dinukot ang ilang mga kabataan ng mga armadong suspek sa magkahiwalay na insidente sa Nigeria.

Sinamantala ng mga suspek na lulan ng motorsiklo ang kaunting sundalong nakatalaga sa lugar at dinukot nila ang mga mag-aaral at residente doon para ipatubos.

Naganap ang insidente sa bayan ng Janbako at Sakkida sa northwestern Zamfara kung saan aabot sa 24 katao ang nasawi.

Patuloy naman na tinutugis ng mga otoridad ang mga suspek na nasa likod ng pag-atake at pagdukot.

-- Advertisement --