-- Advertisements --
Patay ang nasa 24 na katao matapos ang paglubog ng sinasakyan nilang bangka sa Congo.
Ayon sa mga otoridad na nangyari ang insidente sa Mai-Ndombe province kung saan inaasahan nilang madadagdagan pa ang bilang ng mga masasawi.
Aabot sa 300 na pasahero ang lulan ng bangka ng ito ay lumubog.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad na dahil sa overloading ang nasabing bangka kaya ito lumubog.