Ngayon pa lamang pinaalalahanan na ni 2020/21 Bar Chairperson Associate Justice Marvic Leonen ang lahat ng mga bar hopefuls na piliin na ang mga local testing centers na malapit sa kanilang lugar lalo na ngayong nasa gitna pa rin ang bansa sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Kasunod na rin ito ng pagpapalabas ng Supreme Court (SC) ng Bar Matter No. 3490 na tumutukoy sa regionalization ng 2020/21 Bar Examinations ngayong taon partikular sa apat na linggo sa buwan ng Nobyembre.
Layunin ng regionalization ng Bar Exam na mapababa ang travel at accommodation expenses ng mga lalahok sa pagsusulit na karaniwang isinasagawa sa Manila at bilang pagsunod na rin sa public health guidelines dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19.
Dahil dito, noong March 11, 2021 nang mag-isyu ang Office of the Bar Chairperson ng Bar Bulletin No. 19 na nag-iimbita sa mga institutions na mag-apply bilang local testing centers base sa specific indicative requirements.
Matapos ang assestment, isinagawa naman ang negosasyon at initial ocular inspections hanggang sa mapili at maaprubahan ang 24 na local testing centers para sa Bar Examinations.
Narito naman ang mga testing sites na pinayagan para sa bar examinations:
National Capital Region (NCR)
1. Ateneo de Manila University Law School, Ateneo Professional Schools Building, 20 Rockwell Drive, Rockwell Center, Makati City (maximum 269 slots)
2. Manila Adventist College, 1975 San Juan Street, Pasay City (maximum 450 slots)
3. University of Makati, J.P. Rizal Extension, West Rembo, Makati City (maximum 1,000 slots)
4. Far Eastern University, Nicanor Reyes, Sampaloc, Manila (maximum 600 slots)
5. University of Santo Tomas, España Boulevard, Sampaloc, Manila (maximum 500 slots)
Cordillera Administrative Region
6. St. Louis University School of Law, A. Bonifacio Street, Baguio City (maximum 1,035 slots)
Region I (Ilocos Region)
7. St. Louis College, Carlatan, San Fernando City, La Union (maximum 1,280 slots)
Region 2 (Cagayan Valley)
8. Cagayan State University College of Law, Carig Campus – Carig Sur, Tuguegarao City, Cagayan (maximum 421 slots)
9. St. Mary’s University College of Law, Bayombong, Nueva Vizcaya (maximum 259 slots)
Region 4A (CALABARZON)
10. De La Salle University-Lipa, 1962 Pres. J.P. Laurel National Highway. Lipa City, Batangas (maximum 1,125 slots)
11. City College of Calapan, Barangay Guinobatan, Calapan City, Oriental Mindoro (maximum 200 slots)
Region 5 (Bicol Region)
12. University of Nueva Caceres, J. Hernandez Avenue, Naga, Camarines Sur (maximum 1,000 slots)
Region 6 (Western Visayas)
13. Central Philippine University, University Avenue, Jaro, Iloilo City, Iloilo (maximum 475 slots)
14. University of St. La Salle, La Salle Avenue, Bacolod City, Negros Occidental (maximum 1,340 slots)
Region 7 (Central Visayas)
15. University of San Jose Recoletos-Basak Campus, N. Bacalso Street, Basak, Pardo, Cebu City (maximum 600 slots)
16. University of Cebu School of Law, UC Banilad, M. Cuenco Avenue, Banilad, Cebu City (maximum 1,000 slots)
17. University of San Carlos School of Law and Governance, University of San Carlos Law Building, Pelaez Street, Cebu City (maximum 200 slots)
18. Silliman University College of Law, 1 Ilibbard Avenue, Dumaguete City, Negros Oriental (maximum 1,000 slots)
Region 8 (Eastern Visayas)
19. Dr. V. Orestes Romualdez Educational Foundation, Calanipawan Road, Barangay Calanipawan, Tacloban City, Leyte (maximum 400 slots)
Region 9 (Zamboanga Peninsula)
20. Ateneo de Zamboanga University, La Purisima Street, Zamboanga City, Zamboanga del Sur (maximum 365 slots)
Region 10 (Northern Mindanao)
21. Xavier University-Ateneo de Cagayan College of Law, 73 Corrales Avenue, Cagayan de Oro City, Misamis Oriental (maximum 240 slots)
22. Mindanao State University Iligan Institute of Technology, Andres Bonifacio Avenue, Tibanga, Iligan City, Lanao del Norte (maximum 250 slots)
Region 11 (Davao Region)
- Ateneo de Davao University, Senior High School Campus, Bangkal, Davao City (maximum 800 slots)
Region 12 (SOCCSKSARGEN)
- Mindanao State University, Fatima, General Santos City (maximun 204 slots)
Suma tutal, mayroong 15,013 slots lahat sa 24 local testing sites.
Samantala, sa hiwalay na memoranda of agreement na isinagawa ng Supreme Court at mga local testing centers, napagkasunduan ng lahat ng partidong mahigpit na ipatupad ang health at safety protocols sa mga testing sites.
Maliban dito, kailangan din umanong irespeto ang quarantine classifications kada lugar na pagdarausan ng Bar Exam.
Sa ngayon, apat na local testing centers pa sa Luzon ang ikinokonsidera ng Korte Suprema kabilang na ang tatlong paaralan sa Metro Manila at isa naman sa Central Luzon.
Kapag naaprubahan ang mga ito ay agad umanong iaanunsiyo ng kataas-taasang hukuman sa pamamagitan ng kanilang bar bulletin.
Sa kabilang dako, ang bawat bar applicant ay mamimili ng kanilang local testing center sa pamamagitan ng Bar PLUS (Personal Login Unified System).
Pero paalala ng SC, para maging inclusive sa mga bar examinees ang Bar Examinations, hindi raw nila papayagan ang first-come, first-served basis para sa venue-matching sa halip ay ipaprayoridad nila ang mga nasa remote areas o malalayong lugar.
Saka din lamang umano makakapili ang mga aplikante ng kanilang local testing centers kapag inaprubahan na ng SC En Banc ang kanilang aplikasyon.