LEGAZPI CITY- Lumahok ang nasa 24 na mga Ministry of Micro, Small and Medium Enterprises mula sa Bicol region sa apat na araw na PROPAK Asia 2024 na ginanap sa Bangkok, Thailand.
Ang PROPAK Asia ay isang Premier Processing and Packaging Trade Event sa Asya na ginagawa taun-taon.
Nagsimula ito noong Hunyo 12 at magtatapos ngayong araw.
Dinaluhan ito ng mahigit 2,000 exhibiting companies mula sa iba’y ibang mga bansa.
Ayon kan Department of Trade and Industry Bicol Assistant Regional Director Joseph RaƱola sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, ang naturang aktibidad ay nagpi-feature ng mga bago at advance na mga makinarya at teknolohiya para sa packaging industries.
Ang naturang mga makinarya ay malaking tulong umano para sa mga Ministry of Micro, Small and Medium Enterprises upang magamit sa kanilang negosyo.
Maliban dito ay nagkaroon din ng seminars at product presentation.
Sinabi ng opisyal na apat na Ministry of Micro, Small and Medium Enterprises sa rehiyon ang mapalad na nakapag exhibit ng kanilang mga produkto sa Thailand.