(Update) CENTRAL MINDANAO – Lomobo na sa 3,295 pamilya o katumbas ng 16,000 katao ang lumikas sa nagpapatuloy na air-to-ground assault ng militar laban sa tatlong paksyon ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa probinsya ng Maguindanao.
Ito mismo ang kinumpirma ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Minister of Social Services Raisa Jajurie.
Ang mga lumikas ay nagmula sa mga bayan ng Datu Salibo, Shariff Aguak at Shariff Saydona Mustapha Maguindanao.
Dagdag ni Jajurie, hindi pa raw kabilang ang mga bakwit mula sa bayan ng Datu Piang at Datu Saudi Ampatuan.
Umakyat na rin ang bilang sa 23 ang mga nasawi sa panig ng BIFF at mahigit 30 ang nasugatan sa kalat-kalat na sagupaan.
Isang sundalo naman ang binawian ng buhay at dalawa ang nasugatan sa engkwentro laban sa grupo nina Shiek Esmail Abdulmalik alyas Kumander Abu Toraife, Kumander Bungos at Kumander Karialan.
Araw at gabi ang pagsasagawa ng air strike ang dalawang FA-50 light combat aircraft at dalawang MG-520 attack helicopters ng Philippine Air Force (PAF) sa kuta ng BIFF sa SPMS Box.
Nagpasabog din ng bala ng 105mm howitzers cannon ang field artillery battalion sa posisyon ng BIFF katuwang ang ground force ng Philippine Army.
Sa ngayon nagkaisa ang provincial government ng Maguindanao sa pamumuno ni Governor Esmael â€Toto†Mangudadatu at tanggapan ng BARMM Minister of Social Services para agad matulungan ang mga nagsilikas.