-- Advertisements --
Patay ang 24 katao matapos ang pagsabog ng fuel tanker sa Haiti.
Ayon kay Haitian Prime Minister Garry Coville na maraming mga katao rin ang nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang katawan dahil sa insidente.
Karamihan sa mga biktima na itinakbo sa mga pagamutan ay nasunog ang 80 porsyento ng kanilang katawan.
Nangyari ang insidente sa Miragoane kung saan aksidenteng nabangga ng fuel tanker ang isang sasakyan.
Tiniyak naman ng Prime Minister na kaniyang gagawin ang makakaya para maabutan ng tulong ang mga biktima.
HIndi lamang ito ang unang insidente ng pagsabog ng fuel tanker dahil noong 2021 ay nasa 60 katao ang nasawi sa parehas na insidente.