-- Advertisements --

Kabuuang 24 paliparan sa bansa na napinsala partikular na Visayas , Mindanao at Palawan dahil sa bagyong Odette ang inaaasahang magbabalik-operasyon ngayong araw, Disyembre 28.

Tiniyak ni Transport Secretary Arthur Tugade sa briefing kay Pangulong Duterte na lahat ng airports ay commercially operational.

Iniulat ni Tugade na tanging ang Siargao airport ang lubhang nasira dahil sa bagyo ay balik operasyon na ngayong araw ang commercial flights sa naturang paliparan.

Ilan pa sa mga nagtamo ng major damage ang paliparan sa San Vicente, Dumaguete, Camiguin, Siquijor, Antique, Maasin, Surigao at Mactan-cebu.

Ayon kay Tugade fully operational na ang naturang mga paliparan noong Disyembre 24 na bukas sa pagseserbisyo para sa emergency, military at commercial flights.

Nagkaroon naman ng minor damage sa 15 iba pang mga paliparan na nananatiling operational sa Busuanga, Puerto Princesa, Bicol, Caticlan, Kalibo, Roxas, Bohol-Panglao, Tacloban, Ormoc, Laguindingan, Cotabato, Davao, General Santos, Butuan at Iloilo.