Nasayang ang pangunguna sa game ng Filipino American na si Jordan Clarkson nang masilat ang Utah Jazz ng San Antonio Spurs, 111-119.
Nagtala ng kabuuang 24 points, 4 assists, si Clarkson na mula sa bench pero sinamantala ng Spurs ang kawalan sa game ng limang players ng Utah dahil sa injuries at iba pang kadahilanan.
Aminado si Clarkson na masyado siyang naging gigil at agresibo sa kanilang plays upang punan ang kakulangan nila ng players.
Kabilang sa hindi nakapaglaro para magpahinga muna ay si Rudy Gobert, si Donovan Mitchell ay may left peroneal strain, Mike Conley (right knee soreness), Royce O’Neale (right calf soreness) at Nigel Williams-Goss (left ankle sprain).
Sa panig ng Spurs nagsama ng pwersa sina Lonnie Walker at Rudy Gay na kapwa merong tig-14 points.
Sa ngayon solo sa 10th place ang Spurs sa Western Conference.
Ang Jazz naman ay nakikipag-agawan sa fourth place.
Pero naungusan na sila ng half-game ng Rockets.
Ang Spurs (30-38) at Jazz (43-26) ay muling magtutuos sa August 13.