-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Hindi mabilang na pasasalamat ang ipinarating ng 24 na mga recipients ng DOLE Integrated Livelihood Project o DILP ng DOLE XII sa Kabacan, Cotabato

Ang nasabing mga recipient ay mula sa iba’t ibang barangay ng bayan.

Ayon kay Kabacan PESO Manager Eufrosina Mantawil, ang nasabing programa ay may anim na proyekto at isa nga rito ang dressmaking na kung saan tumanggap ng makina at gamit pangtahi ang mga recipient.

Samantala, dumalo at siniguro ni DOLE XII reg. dir. Raymundo Agravante ang mga Kabakeno na laging nakaantabay ang DOLE sa bayan.

Kaugnay nito, inaasahan na darating na rin ang mga gamit para sa carpentry, welding, vulcanizing, pot making, at printing services.

Abot sa 156 beneficiaries mula Kabacan ang inaasahang tatanggap ng programa sa DOLE.

Dumalo sa nasabing programa sina North Cotabato Labor Employment Chief Marjorie Latoja, VM Myra Dulay Bade, at si ABC President Evangeline Pascua Guzman.