-- Advertisements --

NAGA CITY – Nag-abiso na ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ng Camarines Sur hinggil sa 24-hour simulation exercise ng Naga City para sa sinasabing “The Big One.”

Katuwang ng provincial agency ang counterpart nito sa siyudad kung saan 600 participants ang inaasahang makikiisa mula 39 miyembrong ahensya at organisasyon.

Ayon sa Environmanent Disaster Management and Emergency Response Office, layunin ng aktibidad na masukat ang kakayahan, pagkakaisa at koordinasyon ng mga ahensya at response units sakaling mangyari ang pinaka-malakas na lindol sa bansa.

Ala-1:00 ngayong hapon inaasahang magsisimula ang activity na magtatapos bukas ng parehong oras sa hapon.