Haharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang suspek na nahulihan ng 240 kilong shabu sa Dasmariñas, Cavite.
Ang naturang kontrabando ay tinatayang nagkakahalaga ng P1.656 billion.
Ayon kay PDEA Intelligence and Investigation Service (PDEA-IIS) Director Adrian Alvariño, ang dalawang suspek ay kinilalang sina Wilfredo Blanco Jr. at Megan Perero.
Sinabi ng mga operatiba ng PDEA na tinangka lamang nilang bumili ng isang kilong shabu sa mga suspek pero kinalaunan ay tumambad ang 240 kilo ng shabu sa van ng mga suspek.
Nakatakda raw i-deliver sa Calabarzon, Visayas at Mindanao ang shabu.
Sa pagtaya ng PDEA, nasa 1.7 tons na ang nakumpiska ng PDEA sa kanilang operasyon at nagkakahalaga ang naturang mga kontrabando ng P11 billion.