-- Advertisements --

Pinalaya na ng Bureau of Corrections ang mahigit 240 na mga persons deprived of liberty ngayong umaga sa mga prison facilities mula sa buong bansa.

Ani BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr., sa panibagong pahina ng kanilang mga buhay mula sa pagkakalaya ay magkaroon sila ng bagong pag-asa at panibagong buhay.

Kasunod nito ay siniguro naman ng BuCor na patuloy nilang ginagawa ang kanilang mga makakaya para makapagpalaya ng mga qualified PDL’s.

Sa ngayon nasa 6,110 na ang kasalukuyang napapalaya ng ahensya simula noong Enero ng kasalukuyang taon.