-- Advertisements --
Malaking bilang ng mga overseas Filipino workers (OFW) ang dumating sa bansa mula sa bansang thailand.
Umaabot sa 240 na mga kababayan kabilang na ang apat na distressed families, kasama ang kanilang mga anak ang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito na ang pinakamalaking bilang ng mga OFW returnees mula nang ipatupad ang repatriation program sa Thailand noong buwan ng Abril.
Ayon sa ulat ng DFA, ngayon nasa halos 2,000 OFWs na mula sa Thailand ang nakabalik ng Pilipinas na naapektuhan dahil sa COVID crisis.