Iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nasa 24,000 passport applications ang hindi tinanggap ng kanilang ahensiya.
Ito ay dahil sa mga incorrect information ng name at birth date ng mga aplikante.
Sinabi ni DFA Undersecretary Brigido Dulay na hindi nila tatanggapin ang mga nagkamali sa online appointment sa kanilang pangalan at kanilang birth date.
Nilinaw naman nito na nasa apat lang sa loob ng 100 applicants ang mayroong issues sa kanilang passport applications.
Maraming mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa ang nagrereklamo umano sa naantala na passport delivery.
Sinabi ni Dulay na ang mga OFW na humihingi ng tulong para sa kanilang mga concerns ay maaaring gumamit ng courtesy lane sa tanggapan ng kagawaran o magtakda ng appointment sa pamamagitan ng online system sa website ng DFA.