-- Advertisements --

Aabot sa 239,995 Sickness Benefit Reimbursement Applications (SBRA) ang inaprubahan ng state-run pension fund Social Security System (SSS).

Ang nasabing mga aplikasyon ay ipinasa via online mula Hulyo 2020 hanggang Enero 2021 na nagkakahalaga sa P1.75 billion.

Sinabi ni SSS president and chief executive officer Aurora Ignacio na karamihan sa mga employers ay nag-submit ng kanilang aplikasyon sa pamamagitan ng My.SSS employer accounts.

Aniya, ang paggamit ng kanilang electronice services ay nagpapatunay na alam ng mga employers ang kanilang karapatan sa social security lalong-lalo na sa mga mag-avail ng kanilang sickness benefits.

Dagdag pa nito na nakasaad sa SSS Law na sila ay inaasahan na magbayad ng advance sa kanilang employee’s sickness benefits at i-submit ang nasabing claims sa kanilang kagawaran.

Nauna nang ipinatupad ng SSS ang mandatory online sa pagpasa ng Sickness Benefit Reimbursement Applications (SBRA) para sa mga employers sa pamamagitan ng My.SSS Portal noong July 2020.