-- Advertisements --

Nangako ang Bahraini government na magbibigay ng kabuunag 240,000 doses ng donasyong bakuna sa Pilipinas.

Ayon sa DFA, nasa 40,000 vaccine doses ng kabuuang donasyon ay Pfizer vaccines na ilalaan para sa pagbabakuna ng pediatric population.

Sa pag-uusap din sa telepono nina Bahrain Foreign Minister Abdullatif bin Rashid Al-Zayani at Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., pinagusapan ng dalawang opisyal ang hinggil sa posibleng pagtatag ng Embassy of Bahrain sa bansa kaugnay sa lumalawig na bilateral ties at vital contributions ng Filipino community sa Bahraini society.

Sa labor sector naman, natalakay din ang patuloy na pagtanggap ng Filipino workers sa Kingdom at pagpapatupad ng mga programa at labor reforms para sa Filipino community, isa na dito ang flexi visa system na nagpapahintulot sa migrants na makapagtrabaho bilang freelancers.

Base sa datos mula sa Bahraini government noong 2020, tinatayang nasa 50,000 Pilipino sa naturang bansa.