Inihayag ng health ministry na pinapatakbo ng Hamas sa Gaza na hindi bababa sa 241 katao ang napatay sa nakalipas na 24 na oras, habang nagpapatuloy ang operasyong militar ng Israel sa teritoryo ng Hamas.
Tinawag ni Palestinian President Mahmoud Abbas ang digmaan na isang “grave crime” laban sa kanyang nasasakupan.
Sinabi ng hepe ng hukbo ng Israel na si Herzi Halevi na ang salungatan sa Hamas ay magpapatuloy sa mga susunod pang buwan.
Sinabi ng Israel na nagsagawa ang kanilang tropa ng military operation sa higit 100 mga site ng Hamas.
Sa inookupahang West Bank, sinabi ng Palestinian medical sources na anim na Palestinian ang napatay sa magdamag na Israeli drone strike sa Nur Shams refugee camp sa Tulkarem.
Sinabi ng health ministry ng Gaza na 382 katao din ang nasugatan sa parehong 24 hours.
Sa ngayon, nagsasagawa pa rin ng mga talakayan ang iba’t-ibang bansa para sa pagpapatupad muli ng ceasefire sa parehong panig.