-- Advertisements --
Panibago na namang 242 overseas Filipinos ang dumating sa Pilipinas matapos na mawalan ng trabaho sa United Arab Emirates (UAE) bunsod ng COVID crisis.
Iniulat ngayon ng DFA na ang mga bagong dating na OFW ay sakay ng Emirates flight EK332.
Ang mga kababayang dumating sa NAIA ay dumaan sa proseso sa pagsasailalim sa COVID test bago tuluyang payagang makauwi sa kanilang mga pamilya.