-- Advertisements --

Kinumpirma ng pamunuan ng Department of Migrant Workers na aabot sa 248 na mga Pilipino mula sa bansang Lebanon ang nakatakdang bumalik sa Pilipinas.

Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, karamihan sa kanila ay hinihintay nalang mga kaukulang clearance para makalipad.

Dagdag pa nito na lahat sa mga ito ay nagpahayag ng kagustuhang makabalik ng Pilipinas.

Ito ay dahil na rin sa patuloy na tensyon sa pagitan ng Israel at Lebanon.

Ito ay alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tulungan ang mga OFW at iba pang Pilipino na mailayo sa panganib dulot ng lumalalang kaguluhan sa Middle East.

Noon Oktubre 26, una nang nakabalik sa Pilipinas ang 290 overseas Filipinos mula Lebanon upang makapagsimulang muli sa Pilipinas.