-- Advertisements --

Hindi tatanggalin ng gobyerno ang nasa 249,000 na mga contact tracers dahil isasabak ang mga ito sa pagtugon sa bagong variant ng coronavirus.

Sinabi ni contact tracing czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong, na pagtutuunan nila ng pansin ang mga nasa third generation og close contacts.

Sa bilang ng 249,000 ay hindi pa kabilang dito ang 5,000 indibidwal na kukunin ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Interior and Local Government (DILG) ngayong buwan ng Mayo.

Karamihan aniya sa mga ito ay ipapakalat sa National Capital Region, Region 3 at Region 4A.

Nananatili kasing epicenter ng COVID-19 pandemic ang NCR sa bansa.