CENTRAL MINDANAO-Makakatanggap ng relief packs ang 24,000 households sa bayan ng Kabacan Cotabato na apektado ng Covid 19.
Ito ang tiniyak ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr kung saan makakatanggap ng tulong ang mga informal sector.
Tig-limang kilo ng bigas sa bawat pamilya at de latang pagkain.
Nanguna sa pamamahagi ng tulong si Kabacan ABC President at Municipal Councilor Evangeline Guzman katuwang ang mga Barangay Kapitan kasama ang mga volunteers.
Mahigpit na pinatutupad ang social distancing sa pamamahagi ng tulong sa ibat-ibang Barangay.
Hiniling ni Mayor Guzman sa mamamayan ng Kabacan na huwag na lamang munang tumanggap ng kaanak o kakilala na galing sa ibang bayan lalo na kapag galing sa mga lugar na may kompirmadong kaso ng COVID-19.
Iwasan din ang magbahagi ng hindi kumpirmadong impormasyon (fake news) na nakakapagdulot ng kalituhan sa mga residente.
Sa ngayon ay mas hinigpitan pa ng frontliners sa bayan ng Kabacan ang pagbabantay sa mga entry at exit points.